Wala naman akong galit sa mga propesor. Ngunit may mga propesor na kung kailan tumanda saka tinamad magturo. Minsan kasi wala sa estudyante ang problema kung hindi sa propesor mismo. Nakikita ko ang pagsisikap niyang magturo sa klase kaso iba pa rin kung may iisa ka lang priority. Nanghihinayang ako sa mga oras na lumipas na kakarampot lang ang lesson ang naintindihan ko. Tulad sa gobyerno. Mas marami ang mga bihasa’t nakapagtapos ng pag-aaral sa magagarang unibersidad ngunit may iba na imbis na gampanan ang mga tungkulin ay nagsasayang ng pera sa mga bagay na hindi naman kailangan pagtuunan ng pansin tulad ng pagpapagawa ng mga tarpaulin na mas nakikita pa ang mukha kaysa sa mensahe. Kaya’t hindi na applicable ang kasabihang “Papunta pa lang kayo, pabalik na kami.” Dahil kung iisipin, hindi marami ang napapabalitang kurakot, mandarambong kung ALAM nila ang ginagawa nila. At kahit alam nila ang ginagawa nila, hindi naman lahat ay TAMA. Nakakalungkot isipin na sa murang edad ay ganoon na ang ipinapakita ng mga nakatatanda na nakatakdang magtutuwid ng kamalian ng kabataan. Bottomline: Priority ang isipin at hindi Fame and Money.
Sa bawat pagtatagpo ng dalawang puso, isa, o mahigit sa isa, ang nasasaktan.
What I learned about love is that I am not still ready to fall.
Yellow: Neo-centennial celebration
January, 27, 2012, at exactly 7:00pm, nagliwanag ang kalangitan ng UST. From start till the end, worth-watching and breath-taking ang pyromusical. Sinabayan pa ng song Coldplay na Yellow, lalong nagsitaasan ang mga balahibo ko. And that moment, naisip ko na kung may girlfriend lang ako, siya ang gusto kong kasama sa end ng quadricentennial year ng UST. Ang sarap pagmasdan ng fireworks habang kasama mo ang syota mo, kayo lang at wala nang iba. Pero syempre kathang-isip ko lang yon kagabi kaya ayos lang. Kasama ko naman barkada ko kaya hindi rin ako nanghihinayang na nasaksihan ko ang pyromusical. Para sakin sila na rin yung nagbibigay-sigla sa akin. Biruin mo, pumila kami ng magkakasama sa field ng 3:00pm. Walang iwanan kahit sa under the sun. Pero sa tindi ng init, umalis din kami. At sa pagbalik namin sa field ng gabi, masasabi kong nag-enjoy kami. Hindi man namin natikman ang chooks, busog naman ako, pati siguro sila, sa company ng isa’t isa. Kaya nga sila ang nagustuhan kong makasama. Magka-stiff neck man o mababad sa init ng araw, basta’t walang iwanan.
Kaya sa mga hindi pa nakakanood ng pyromusical ng UST o sa mga gusto pa uli itong panuorin, heto ang link. http://www.youtube.com/watch?v=ynaOlXYWpJU. Enjoy!
I don’t want to sleep yet I am always sleepy.
Happy New Year! So early.
(Source: sonhosqueforamesquecidos)

